Magki-Christmas na naman at siguradong ‘di mawawala sa handaan ang iba’t ibang klase ng karne gaya ng lechon at ham. Para di maumay o bilang pambalanse ay kailangan din nating kumain ng gulay at isda gaya ng aking recipe. How to make ampalaya con tuna?
Ingredients:
1 pc. ampalaya large (hatiin sa gitna ng pahaba at hiwa-hiwain nang maninipis)
425 grams ng tuna (flakes or cubes)
3 medium eggs (beaten)
1/4 cup oyster sauce
2 pcs kamatis (sliced)
5 butil ng bawang (minced)
1 pc. sibuyas (sliced)
patis, salt and pepper (panimpla)
mantika (panggisa)
Paraan ng pagluluto:
Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa isang non-stick na kawali.
Isunod ang tuna at hayaan munang maging golden brown saka isunod ang ampalaya.
Igisa ang mga ito sa loob ng isa o dalawang minuto saka timplahan ng konting asin at paminta.
Lagyan ng 1/4 tasang tubig. Takpan at hintaying bahagyang lumambot ang ampalaya saka ilagay ang oyster sauce.
Ibuhos ang binating itlog. Haluin para kumapit ang sauce sa mga rekado at maging strips ang nalutong itlog.
Timplahan ng patis at wag i-overcook ang ampalaya.
Isalin sa bowl para ready to serve.
Note: Para mabawasan ang pait ng amplaya ay ibabad ito sa tubig na may asin.
Hugasan. Pigain at i-drain bago isahog sa niluluto.