Iginiit ni Senador Joel Villanueva ang higit na pangangailangan ng bansa na amyenda sa ilang umiiral na batas sa manggagawa tulad ng Labor Code of the Philippines at Philippine Immigration Act.
Ito ay upang mapabuti aniya ang mga patakaran ng gobyerno pagdating sa pag-iisyu ng permit sa foreign nationals na nagnanais na magtrabaho sa bansa kasunod ng matinding isyu sa illegal foreign workers sa Philippine offshore gaming operations (POGOs).
Ayon kay Villanueva, chair ng Senate committee on labor, employment, and human resources development, dapat ding mapalakas ang koordinasyon ng mga ahensyang may kaugnayan sa labor upang matiyak aniya na hindi na ba-bypass ang mga Pilipino sa mga trabahong nararapat para sa kanila.
“Based on the information and positions that we received during the hearings, we see the need to amend our laws which regulate the entry and employment of foreign workers in the country, such as the Labor Code and the Philippine Immigration Act, among others,” sabi ni Joel. (Anne Lorraine Gamo)