Kakaunti lang ang nakaka­alam na nagkaanak ang isang aktres noong nag-aartista pa ito pero sa kagustuhan niyang ‘di malaman ng press ang kanyang sinapit ay pinaalaga niya ang kanyang anak (lalaki) sa isang bakla na kakilala.

 

Hanggang sa nalaman na lang niya na ang kanyang anak ay dinala sa Mindanao at doon na lumaki.
Dahil uso naman ang social media kaya na-contact niya ang baklang nag-aalaga sa kanyang anak.
Pero nang sabihin ni aktres na gusto niyang pumunta sa Minda­nao upang makita ito agad na siyang blinock sa Facebook ni bakla .

 

Dahil dito, hindi na siya natuloy sa Mindanao at hindi na niya nakita ang kanyang anak.
Isang taon mahigit lang ang edad nito nang huli niyang makita. Sabik na sabik na siyang makita ito lalo na’t binata na ito ngayon.
Sa kasalukuyan ay naka-base sa abroad si aktres.
Mayaman na siya at nanga­ngako na kapag bumalik siya ng Pilipinas, pupuntahan niya ang kanyang anak sa Mindanao.
Gagalugarin niya ang lahat ng lugar at gagamitin niya ang kanyang salapi upang makita at mabawi ang kanyang anak.
Kapag muling matunton niya ito, hindi na raw niya ito pakakawalan kesehodang idadaan pa ito sa korte.