Anak ng congressman, masigasig sa panunuyo kay Jazz Ocampo

Jazz Ocampo
Kris Aquino
Kris Aquino

MAY ilang kuwento kaming nasagap tungkol sa isyung paglipat ni Kris Aquino sa GMA 7 pero nakiusap ang aming source na huwag munang isulat.

Nakakaintriga lang dahil naitanong pala ito kay Kris nang du­malo siya sa block screening ng How To Be Yours sa Robinson’s Magnolia kamakalawa nang gabi.

Ngumiti lang daw si Kris nang tinanong ito sa kanya at “surprise” lang daw ang sagot niya.

Siyempre, kilala naman ng halos lahat si Kris na ang galing niyan gumawa ng ganoong drama kaya hindi pa natin alam kung ano ang totoo.

Pero ayon sa aming source, may announcement sila two weeks from now.

Ang daming na-curious kung ano ang napag-usapan sa meeting nila nina Mr. Tony Tuviera at Direk Mike Tuviera kamakailan kaya lumutang ang ganitong usap-usapan.

Ang isa sa narinig namin na posibleng gagawin ni Kris sa APT Entertainment ay ang pang-MMFF entry ni Vic Sotto na pagbabalik ni Enteng Kabisote.

Si Kris kaya ang Faye ni Enteng?

Ang isa pang nasagap namin ay kasama rin daw sina Alden Richards & Maine Mendoza sa naturang project pero sinagot kami ng ilang nakausap namin sa M-Zet Films na wala raw ganu’ng plano.

Hindi pa rin daw muna nila masabi kung sino ang magiging leading lady ni Bossing Vic.

Kahit ang taga-GMA Artists Center ay sinagot din kaming wala pa raw nagsabi sa kanila na kasali si Alden.

Ayaw munang sabihin ni Bossing kung sinu-sino ang makakasama niya.

Pero ang dinig namin, malapit na nilang simulan ang shooting ng pelikulang ito na isasali nila sa Metro Manila Film Festival.

***

Jazz Ocampo
Jazz Ocampo

Tahimik lang ang kung ano mang namumuong relasyon kina Barbie Forteza at Kiko Estrada, ganundin pala ang leading lady ni Kiko na si Jazz Ocampo.

Ang latest na nabali­taan namin, may masigasig na manliligaw kay Jazz na anak ng isang Congressman.

Super bantay raw ang magulang ni Jazz dahil hindi pa kasi ito nagka-boyfriend.

Pero mabait daw itong manliligaw sa Kapuso young actress na ewan at baka sila na.

Ang tinutukoy naming­ manliligaw ay ang maga­ling at kilalang racer na si Javi Benitez, anak ni Cong. Albee Benitez ng 3rd district ng Negros Occidental.

Ang latest na nari­nig namin, sobrang close daw si Javi sa pamilya ni Jazz. Ang galing daw manuyo dahil sinimulan muna sa mga magulang.

Ngayon daw ay may pinaghahandaan na si Javi na birthday treat para sa mommy ni Jazz.

Ang sabi naman ni Jazz, hindi priority sa kanya ang lovelife sa ngayon. Makapaghintay ‘yun.

Mas gusto muna niyang mag-focus sa showbiz career lalo na’t abala rin siya sa Sinungaling Mong Puso at isinisingit pa niya sa hectic schedule niya ang pag-aaral.

Gusto ni Jazz na makapagtapos kaya nakalaan ang Martes at Huwebes niya sa pag-aaral.