Anak ng congressman, STALKER ni Liza!

Javier Miguel Lopez Benitez at Jazz Ocampo
Javier Miguel Lopez Benitez at Jazz Ocampo

IN fairness ay may ­dating at maganda ang PR ng 21-anyos na si Javier Miguel Lopez Benitez, ang panganay na anak ni Negros Occidental Congressman ­Albee Benitez na host ng Game Changer sa ANC.

Ngayong 4th ­season ng show ay magi­ging co-host na si Javi ng kanyang tatay kaya ang sabi ni Cong. Albee, mas dumali ang trabaho niya dahil dalawa na sila.

Feling niya, pagtagal-tagal ay ipapasa niya ang show kay Javi.

Natatawang sey ng 6-footer na binata, wala pa siyang natatanggap na talent fee mula sa show.

In fairness ay unti-unti na siyang nagiging komportable sa paghu-host at ine-enjoy niya ito.

Cute ‘yung sabi sa amin ni Javi na maga­ling na host ang dad niya, pero old school ito.

Kailangan ng Millennials na katulad niya para ‘yung mga people his age ay manood din ng show.

Sa Xavier School nag-high school si Javi at sa Santa Clara California siya nagka-college.

Nagko-compete siya dati sa go-kart races kasama sina Matteo Guidicelli at Marlon Stockinger.

Nu’ng 10 or 11 years old siya ay nag-host siya ng Sports Kids sa Studio 23 kasama ang tatlo pang sports celebrities na ka­tulad niya.

Nali-link si Javi sa Kapuso star na si Jazz Ocampo. Recently lang sila nagkakilala through a mutual friend.

Lumabas na sila at pinost pa ni Javi sa Twitter ang picture nila together.

Sey ng binata, nasa getting to know stage pa lang sila. Bago ‘yung presscon nilang mag-ama ay magkausap sila ni Jazz.

At sa fun run ni Javi for the youth sa Negros Occidental ay pupunta ang ­tisay na GMA star.

‘Dating’ sila sabi ni Javi, pero wala pang ligawan. Nang i-tweet niya ang pic nila ni Jazz ay natuwa siya dahil okey ang reaksyon ng fans at parang kinilig ang mga ito sa kanilang dalawa.

Hindi pa napapanood ni Javi si Jazz sa Kapuso afternoon soap na Sinu­ngaling Mong Puso.

Sey ng binata, baka magselos siya kung may kissing scenes si Jazz, pero bumawi at sinabing tanggap niya ‘yon ­dahil artista si Jazz at parte ‘yon ang trabaho nito.

Liza Soberano
Liza Soberano

May crush ding Kapamilya star si Javi, si Liza Soberano. Aniya, he is drawn to Liza’s beauty at pina-follow niya ito sa social media.

Stalker daw siya nito, inaamin niya.

Hindi pa sila nagmi-­meet ni Liza, na ang alam niya ay boyfriend si ­Enrique Gil.

But given the chance ay gusto niyang makilala si Liza at ligawan kung puwede.

Huwag daw sana siyang ma-bash kung sakali.

Open ang binata na mag-showbiz. Nakapagbida siya noon sa isang play nila sa school sa Amerika na ang role niya ay nagtitinda ng taho na may asawang OFW.

Napapanood ang father & son team nina Cong. Albee at Javi sa Game Changer every Saturday, 9:30 PM (with replays every Sunday, 9:30 AM) sa ABS-CBN News Channel.