Anak ng ex-Malabon mayor tinumba sa sabungan

killer-holding-a-gun

Patay ang anak ng dating alkalde ng Malabon City habang sugatan naman ang dalawa niyang kasamahan matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa labas ng isang sabu­ngan sa nasabing lungsod kahapon nang madaling-araw.

Sa ulat ng Malabon Police, pasado alas-kuwatro ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa Del Monte Cockpit Arena na matatagpuan sa Banana Road, Brgy. Potrero.

Kalalabas lang umano noon mula sa nasabing sabungan ng biktimang si Ariel Vicencio, nasa hustong gulang kasabay ang dala­wa niyang kasamang lalaki na inaalam pa pareho ang pagkaka­kilanlan, nang duma­ting ang riding-in-tandem at pinaulanan sila ng bala.

Tinamaan ng bala sa ulo si Vicencio habang sa katawan naman ang tama ng dalawa niyang kasama.

Matapos ang insidente ay mabilis na umeskapo ang riding-in-tandem habang isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima pero hindi na nailigtas sa kamata­yan si Vicencio.

Napag-alaman na anak ni dating Malabon Mayor Amado Vicencio ang nasawing biktima.

Patuloy pa ang pag-iimbestiga ng pulisya sa insidente. (Cherk Balagtas)