MAY tsikang kahit mister na ng kanilang very famous mom ang isang controversial personality, hindi pa rin pala nakikipagtsikahan si daughter sa kanyang stepfather.
Hindi raw inililihim ni daughter ni very famous mom ang bagay na ‘yon.
Marami raw sa mga kaibigan ni daughter ang nakakaalam ng bagay na ‘yon.
Mali raw ang akala ng fans na OK na OK na si controversial personality sa mga anak ni very famous mom.
Well…
***
May mga nang-iintriga na dahil kulelat ang “manok” niya sa The Voice Teens na si Jeremy Glinoga ay inisnab-isnab ni Sharon Cuneta ang mga kasamahan niya sa singing contest ng ABS-CBN.
Nakakapagtaka ang intrigang ‘yon dahil kilala si Sharon sa pagiging mega-PR, huh!

Kahit sa entertainment press, bago sumagot si Sharon, madalas niyang sabihin kung gaano na niya ka-miss ang taong nagtatanong sa kanya.
Kilala rin si Sharon sa pagiging sweet at sobrang generous sa mga nakakasama niya, kaya marami ang nagtaka sa ganoong intriga.
Hindi pinalampas ‘yon ng Megastar at naglitanya siya sa social media.
In fairness, ang galing magpaliwanag ni Sharon.
May punto siya kaya tigilan na ang pang-iintriga sa Megastar dahil noon pa niya sinasabi na mahal niya si Sarah Geronimo!
Si Vicky Belo at Hayden ba ang nasa blind item at ang anak nyang si Crystal !!!
yes — its obvious