Nasa pangangalaga at sinasanay umano ng Abu Say­yaf Group (ASG) ang 10-­taong gulang na batang babae na anak ng mag-asawang suicide bomber na responsable sa kambal na pagsabog sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Ito ang isiniwalat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kasabay ng pahayag na magiging importante ang bata para sa pagkakakilanlan ng dalawang Indonesian suicide bomber, gayundin ang koneksyon nito sa mga international terrorist group.

“She was entrusted to the Abu Sayyaf Group under Hatib Hadjan Sawadjaan in Patikul. This was also confirmed by some of the suspects who surrendered to us in connection with the Jolo bombing,” dagdag pa ng opisyal.