Anak ng OFW humiling na pauwiin na ang ina

Sir/Madame,

Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from the kin of OFW Ms. Ligaya G. Jordan. Please find additional information below. We will highly appreciate your prompt action.

Sincerely,

(Sgd) John Leonard Monterona

U-OFW

***

Sir/Mam,

Tulungan nyo pong makauwi ang mama ko sa kadahilanan hindi na po niya kaya ang trabaho kasi ay nag-iisa lang po siyang katulong sa kalakihang bahay.

Lagi rin pong nananakit po ‘yung amo nya. Tinitipid po sya sa pagkain, at nananakit na po katawan at dibdib naninikip minsan. Gusto na po nyang umuwi. Pakitulungan po sya.

***

Si Mrs. Jordan ay dumating ng Riyadh, Saudi Arabia noong Pebrero 2016 sa pamamagitan ng M&P employment Inc., na ang counterpart sa Saudi ay Tamimi Manpower Recruitment Office at ipinasok sa employer na si Barahim bin Usman Bin Abdurahman al-Fouzan sa Rodha, Riyadh kung saan ito nakakaranas ng pangmamaltrato.

Ang karaingan ng anak ng OFW ay nauna nang naiparating ng U-OFW sa POLO-OWWA RIYADH, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT, OFFICE OF THE POEA ADMINIS­TRATOR pero nananatiling walang aksyon ang nasabing mga tanggapan kaya sa pamamagitan ng BayaniKa ay nananawagan tayo sa nasabing mga ahensya na tugunan ang karaingan ng ating kababayang OFW.

Ibigay ang nararapat na ayuda bilang bahagi ng inyong mandato sa ating batas.