Dinakip ng mga awtoridad ang anak ng alkalde ng Midsalip, Zamboanga del Sur matapos ang isinagawang raid sa tirahan nito kahapon.
Sa report, matapos madakip ang suspek na si Liwaya Paras, anak ni Midsalip, Zamboanga del Sur Mayor Leonida Angcap ay nakuha rin sa pag-iingat nito ang tinatayang P120,000 halaga ng droga.
Bukod sa batang Angcap ay kasamang tinimbog ang live-in partner nitong si Leander Lumantas matapos silang salakayin sa bahay ng una sa Oroquieta City.
Nakuha sa pag-iingat ni Paras ang 15 pakete ng shabu, 3 armas at mga bala.
Sa ulat ay sinasabing kabilang sa listahan ng mga narco-politiko ang nabanggit na alkalde ng nabanggit na lugar.