ZAMBOANGA CITY — Natimbog ng pulisya ang tatlong katao, kabilang ang anak ni Zamboanga­ City Vice Mayor Cesar Iturralde, matapos na mahulihan ng hinihinalang shabu sa isang check point dito.

Si Oliver Iturralde, 18, at mga kasamahan ay nahaharap sa kasong kriminal dahil sa walong shabu sachet na natagpuan sa kanila nitong gabi ng Martes.

Ipinakita pa ng mga parak ang droga kay Mayor­ ­Beng Climaco na napadaan sa barangay Divisoria at pinuri pa nito ang mga pulis.

Ayon sa pulisya, isinalang sa drug test ang tatlo at sasampahan agad ng kasong kriminal. Natagpuan ang mga droga sa loob ng cell phones.