Anak ni Bossing Vic buntis

Magkakaroon na ng unang apo si Vic Sotto kay Paulina.

Inanunsyo niya sa kanyang Instagram account ang pagdadalantao . Ang kanyang caption sa kanyang larawan na naka-two piece at hawak ang kanyang baby bump.

“Happy to announce that with Jed’s help, I am in the process of growing a tiny human!” post niya na nilagyan ng hashtag na #preggo.

Ito’y matapos ang tatlong taon nilang kasal ng mister na si Jed Llanes noong January 2017.

Si Paulina ay anak ni Vic kay Angela Luz.

Maging si Angela ay na-excite sa pagbubuntis ng kanyang anak.

“I am already deeply, madly in love with my baby who is inside Paulina’s tummy. Yes I call him MY baby because I am even more excited now than when I had my own actual baby. I love you so much @paulinavls, and I promise to be the best and coolest Lola in the world. I love you so much, baby K!” sabi ng dating aktres. (IS)