Anak ni Cristina Gonzalez wagas kung magmura

Sari-sari ang reaksyon ng netizens sa cryptic post ni Sofia Romualdez sa Instagram Stories nito the other day.

Si Sofia ang 20-anyos na singer-songwriter daughter ng dating aktres at Tacloban Mayor na si Cristina Gonzalez-Romualdez sa politician husband nitong si Alfred Romualdez.

“Call me out of line everybody thinks I was left behind. Worry bout yourselves, man I’ll be fine. I guess the drugs corrupt your mind coced out yet Christ like you’re saints right? F*ck a reputation yall need to see the light,” ang caption ni Sofia sa isa niyang IGS.

Doon sa isa pa ay, “Call me a spoiled brat, I am a spoiled brat. Your idol so sad drugged out but I’m the bad guy. I’m in a bad light, I’m bitter you’re right. Won’t leave without a fight,” habang naka-dirty finger ito sa kamera.

May kasunod pa ‘yon na, “Honestly, I’m not coming for you but I’ll take my shot,” at saka, “You only know less than half the shit you see on social media.”

At meron pa siyang sundot na, “Mga bagay na kumikinang, kinang*na mo,” at “Some of ya’lls birth stone is crystal meth and it shows.”

Sey ng netizens, mukhang palaban talaga si Sofia at tila may gustong sabihin. Pero kung may pinatatamaan daw ito, sana raw ay pinangalanan nito.

May mga na-curious kung sino ‘yung tinutukoy nitong nagda-drugs. May humirit naman na ganu’n lang daw talaga magsalita ang mga Gen Z (mas bata pa sa millennials).

Posible rin daw na may pinagdadaanan si Sofia at ito ang way ng pagku-cope up nito.

‘Yung iba ay tinawag agad na rich spoiled brat ang panganay nina Cristina at Alfred. May nagtanggol naman sa tisay na dalaga at sinabing lyrics ng kanta ‘yung ipinost nito.

Meron ding mga nakaalala na minura noon ni Sofia si VP Leni Robredo sa Twitter, bilang depensa sa tiyuhin nitong si Bongbong Marcos na tinalo ni Leni sa eleksyon.

Actually, nakita namin sa birthday party ni Lorin Gutierrez si Sofia kasama ang mommy niyang si Ms. Kring at binati kami ng mag-ina.

In fairness ay talented si Sofia, na mas gusto ang music career kesa mag-artista gaya ng beautiful mom niya.

Magaling din siyang magsulat ng kanta, so huwag nating i-judge si bagets dahil baka doon niya lang nilalabas ang mga angst niya.

Miguel isinapuso ang pagiging Badjaw

Mas natuto raw si Miguel Tanfelix kung paano ipaglaban ang pag-ibig dahil sa pagganap sa karakter niyang si Ahmad sa GMA epicseryeng “Sahaya”.

Hindi rin malilimutan ng Kapuso young actor na na-experience niya ang kultura ng mga Badjaw dahil sa seryeng ito, na ang dami niyang natutunan.

Damang-dama raw talaga ni Miguel ang pagiging Badjaw lalo na ‘pag nagsu-shoot sila ng mga eksena sa gitna ng dagat.

Inaabangan din kung sa dulo ay sina Ahmad at Sahaya (Bianca Umali) pa rin ang magkakatuluyan.

Hanggang bukas na lang ang “Sahaya” na sa Lunes ay papalitan na ng drama-action series na “Beautiful Justice” sa GMA Telebabad.