Nabalutan ng kontrobersya ang bakasyon sa Pilipinas ng anak ng namaya­pang Beatles singer-songwriter John Lennon dahil sa naging karanasan nito sa pagsakay sa CebuPac ng mga Gokongwei.

Sa kanyang Instagram post, inireklamo ni Julian Lennon ang mga delay sa flight niya sa nasabing airline. Ang masaklap aniya dito, dedma lang ang airline kapag naistranded ang pasahero sa mga delayed flight.

Panawagan pa niya sa publiko, huwag nang sumakay sa nasabing airline lalo na kung may connecting flight.

“I highly recommended NEVER flyin­g with this airline….Especially if you have a transfer, as you’ll never make it…Hours & hours of delays, amongst other things, with nothing but idiotic, unprofessionalism on both ends of the trip…And they take No responsibility for missing connections, seriously leaving you stranded…F’ing useless! Next! Now Breathe…,”ayon sa post ng singer.

Tinawag din niya ang CebuPac na :#themostdisorganisedairlineintheworld.
Nangako pa siyang hindi na sasakay ulit sa nasabing airline.

“Minimum of 8 Security check points and several terminals already today, thanks to Cebu Pacific’s dysfunctional service, causing all kinds of chaos for eve­ryone…And costing people 100s & 1000 Of Dollars/Euros, non of which can be recouped..Beyond frustrated at the complete lack of care, decency & respect by CP Airlines…Never again. ? Assholes!!!” banat pa ng singer.

Dumating si Lennon si Maynila noong Biyernes, Marso 29.
Wala pang pahayag ang airline sa mga reklamo ni Lennon.