Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, sinabi ni Maegan Aguilar, anak ng OPM icon na si Freddie Aguilar, na sa kalye na ito ngayon natutulog sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.
“Happy Mother’s Day to me. I’ll be homeless again today. Because it’s family first, before friends. I’ll just fix up now and go towards the area of Quezon City Circle. I don’t expect to be rescued. Who could have the time anyway. I’ll just be there,” sabi ni Maegan.
Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Maegan at sa ama nito makaraan umanong pakasalan ng huli ang menor de edad nitong kasintahan.
Labis naman ang pag-aalala ng mga kaibigan ni Maegan na tinanong ang kanyang sitwasyon at nag-offer pa ng matutuluyan sa kanya. Gayunman, hindi umano ito posible dahil wala namang masasakyan na dahilan din kaya hindi siya makauwi sa kanyang bahay sa Cavite.
Kinumusta rin ng kanyang mga kaibigan ang dalawang anak nito at sinabi ni Maegan na nasa poder ng kanilang mga ama.
“My kids are home safe w their dads. Ako lang ang cargo ko so oks lang ako. My house nga is in Dasma Cavite, so impossible option,” sabi pa ni Maegan.
Ngayon, positibo si Maegan sa hinaharap niyang sitwasyon.