Anak ni Lotlot star player ng Quezon City Defenders

Ang taray ni Lotlot de Leon, basketball team owner na siya ngayon kasama ng mister niyang si Fadi El Soury.

Kasama ang ilang kaibigan ay sila ang nag-takeover sa management ng Quezon City Defenders nang i-offer ito sa kanila ng National Basketball League, na last year lang nabuo.

Mahilig daw talaga sa sports sina Lotlot at Fadi, na dati ay involved sa beach tennis.

Aminado si Balot na isa sa mga dahilan kaya nagkainteres siya sa paghawak ng team na ito ay dahil isa sa players nito ang kanyang only son na si Diego Gutierrez.

Very supportive siya eversince kay Diego, na sa school pa lang noon ay varsity player na. Alam daw niya ang nararamdaman ng mga batang ito na nagpapakahirap dahil mahal ng mga ito ang sport na basketball.

“We want to be able to help them achieve their dreams, kung anuman ‘yung maitutulong ng grupo namin sa mga batang ito para ma-achieve nila ang mga pagarap nila,” sambit ng aktres.

Ang sabi naman ni Fadi, noon pa siya tumutulong sa mga kabataan through Rotary Club at dahil amateur homegrown league ito ay nasa bagong generation of players daw ang focus nito. Gusto nilang makatulong sa career ng mga ito bilang basketball players.

Bale 20 players (aged 18 to 29 years old) ang bumubuo sa QC Defenders, na karamihan ay galing sa dating basketball team na QC Rising Stars. Ngayon ay bago na ang pangalan nito at under new management na rin.

Bale star player nila si Diego, na 22-anyos na at graduate na ng college sa Ateneo. Eversince ay basketball talaga ang gusto ni Diego at wala itong hilig sa showbiz. Siyempre, dream niya na eventually ay makapasok sa professional league.

Ang mister ni Matet de Leon na si Mickey Estrada ang head coach ng Quezon City Defenders.

Sa kasalukuyan ay may 14 teams ang NBL, na ang bagong season ay magsisimula sa November 16 sa Filoil Flying V Arena. Mapapanood ang games nito sa Solar Sports at Basketball TV.

Babae ni Alden ‘sinakal’

Nag-goodbye na ang karakter ni Thia Thomalla na si Faith sa Kapuso seryeng “The Gift”.

Aksidenteng napatay si Faith ng nakakatakot na si Jared, ang kontrabida karakter ni Martin del Rosario, na sa sobrang inis ay nasakal ang dalaga nang mag-away sila.

Nakita sa vision ng bidang si Alden Richards bilang si Sep na may sumakal kay Faith.

Pasama na nang pasama si Jared, ang numero unong kalaban ni Sep, na hindi nila alam ay magkapatid sila sa ina. Kalerky!

Ang daming pumupuri sa akting ni Martin and at the same time ay ang daming gigil na gigil sa kanya!