Anak ni Pres. Obama nag-waitress sa resto  

obamas-family

Nagtatrabaho nga­yon ang panganay na anak ni US President Barack Obama na si Sasha bilang serbidora sa isang seafood restaurant.

Nabatid na ang 15-anyos­ na si Natasha o Sasha ay pumasok bilang serbidora sa Martha’s Vineyard sa Massachusetts bilang summer job niya.

Nagtaka lamang ang kanyang mga katrabaho dahil sa tinutulungan siya minsan ng mga secret service.

Gusto umano ng ina nitong si Michelle na mamuhay si Sasha bilang isang ordinaryong mamamayan.