Anak ni Samboy gold sa Turkey karate fest

Nakasungkit ng medalyang ginto ang anak ni PBA legend ­Avelino ‘Samboy’ Lim Jr. na si Jamie Berberabe Lim sa 2019 Amator Spors Haftasi Karate Championships sa Sakarya province, Turkey nitong Linggo, Oktubre 13.

Sa Facebook post ng Karate Pilipinas Sports Federation, walang ­kahirap-hirap na ­kinayod ni Jamie ang gold tapos dominahin ang kategor­yang under 68 kilograms kumite.

Si Jamie ay anak ni Samboy kay former Pag-IBIG Fund CEO Darlene Berberabe.

Parte rin siya ­national team na kasalukuyang nag-eensayo sa Turkey bilang ­preparasyon sa ­paparating na 30th Southeast Asian Games 2019 sa ­bansa sa ­Nobyembre 30-­Disyembre 11. ­(Aivan Episcope)