Anak ni Sunshine kamukha ni Kitty

Tiktok ang naging daan nina Sunshine Cruz at kanyang tatlong anak para mawala ang inip, bagot sa enhanced community quarantine. Hindi lang ganda ang makikita sa kanilang tiktok video, kung hindi maging ang kanilang pangmalakasang dance moves na ikinatuwa ng mga netizen.

Caption ni Sunshine sa kanyang instagram post, “ Ending the night bonding with my girls. ❤️ Let’s keep on praying. 🙏🏼PLEASE stay healthy. May God bless us all!

Pinuri ng madlang pipol ang dancing video ng mag-iina.

Ani @myjeniffee_28 “ i wish my only daughter could do this with me “.

May nagsabi naman na kamukha ni Chesca Cruz si Kitty Duterte. Sa kanyang unang tingin, inakala niyang ang anak ni Presidente Digong ang bunso ni Sunshine.

Hirit ni @cassandraleizelyn “ Ang galing ng bunso. Unang tingin akala ko si Kitty Duterte. “ (Sarah Asido)