Si Nathan Prats ay sobrang saya na part na siya ng GB.
‘Pag tapos na silang mag-taping ay naglalaro silang mga bagets. Sobrang happy ng Mommy Camille Prats ni Nathan na artista na siya.
***
Si Vito Quizon na apo ni Mang Dolphy at anak ni Vandolph Quizon ay masaya dahil marami siyang kaibigan na nakakalaro sa set ng GB.
***
SOBRANG HAVEY kung mag-impersonate ng mga pulitiko at iba pang celebrities ang mga tsikiting ng Goin’ Bulilit, pero medyo iwas-iwas muna sila sa panggagaya o pag-spoof kay Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte.
Medyo pang-SPG kasi ang lengguwahe ni Du30 at hindi angkop sa mga bata.
Kaya sabi ni Direk Frasco Mortiz, lulutuin muna nila ang materyal na babagay sa mga bagets.
Si PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na lang muna dahil safe itong gayahin ng mga tsikiting.
Si Clarence Delgado ang nag-i-impersonate kay Bato. Si Izzy Canillo ang gumagaya dati kay Digong.

Ang iba pang bumubuo sa wacky gang ng hit kiddie gag show ng ABS-CBN ay sina Mutya Orquia, Bea Basa, Ashley Sarmiento, CX Navarro, JB Agustin, Kazumi Porquez, Mitch Naco, Allyson McBride at Josh de Guzman.
11 years na ang toprating Sunday show ng mga bagets.
Aminado si Direk Frasco na mas risqué ang Goin’ Bulilit noong araw. Sa paglipas ng panahon ay ang dami na kasing nagbago.
Ngayon, dahil sa social media, habang pinapanood ‘yung gag sa TV ay puwede na agad magreak ang mga nanonood. Kaya nag-adjust na rin ang show sa kanilang audience.
Dati ay anything goes. Basta matawa ang viewers ay okey ‘yon. Ngayon ay mas maingat na ang mga nasa likod ng GB dahil ang daming inaalagaang opinyon at ang daming inaalagaang pananaw ng viewers.
Kaya meron silang team of psychologists na pinapadalhan nila ng script kung puwede ba ito sa bata at sa mga batang manonood.
Nakikita nila kung saan sila kailangang mag-improve, na kahit safe na ay may magrereak at magrereak pa rin. So, binabalanse na lang nila ang comedy ng programa.
***
Mga bagong dagdag na bulilit sa show sina Raikko Mateo, Nathan Prats, Vito Quizon, Marc Pingol, Sophia Reola, Cessa Moncera, Chunsa Jung, Lilygem Yulores.
Two years old pa lang daw si Raikko ay dream na niya maging artista at makita sa TV.
Naunang magbida si Raikko sa Honesto bago siya nag-Goin’ Bulilit.
Okey lang kay bagets na marami sila sa show dahil mas marami siyang playmates at nagko-comedy siya rito, hindi nagda-drama.
***
Ang shy girl na si Sophia Reola ay alaskado ng tropa dahil binuking nila na crush nito si Josh de Guzman.
Natawa kami dahil ang bilis inamin ng Fil-Am na bagets na crush nga nito si Josh.
***
Si Direk Bobot Mortiz ang unang nag-handle sa show at nag-train sa mga bata ng Goin’ Bulilit.
Ngayon ay pinasa na niya ang pagdidirek nito sa mga anak niyang sina Frasco at Badji Mortiz.
Napapanood ang Goin’ Bulilit every Sunday after TV Patrol Weekend.