Anak nina LeBron, Wade, hatak atensyon sa media day

Napasa sa mga anak nina LeBron James at Dwyane Wade ang kasikatan, lalo pa’t magiging magkakampi rin ang dalawa nilang supling.

Dinumog ang media day ng Sierra Canyon High School para sa kanilang basketball team, tampok sina Zaire Wade at Bronny James na lalaruin ang kanilang unang season para sa nasabing koponan.

Dumalo si LeBron sa nasabing media day, ngunit hindi nagpaunlak ng panayam sa media.

Si Zaire ay tatayo bilang kuya ni Bronny sa koponan, na graduating na sa huling taon ng school year.

“I try to do what I can, just being a little older than him,” ayon kay Wade. “We live the same lifestyle, essentially, so I just try to help him out.”


RP