Nagpaulan ng sapak sa eight round si Erwin Ancajas at pinabagsak si McJoe Arroyo ng Puerto Rico tungo sa unanimous decision victory at hablutin ang Internatio­nal Boxing Federation junior bantamweight title Sabado ng gabi sa Philippine Marine Corps gym sa Taguig

Wagi ang 24-year-old Panabo City, Davao del Norte native na Cavite City resident na sa mga score cards ng lahat ng judges na sina Takeo Harada ng Japan 117-110, Filipino Gil Co 118-109 at American Carlos Colon 115-112.

Umangat si Ancajas sa 25-1-1 win-loss-draw na may 16 knockouts, nalasap ng 30-anyos na Puerto Rican ang first defeat sa 18 fights na may 8 KOs.

Nabitawan ni Arroyo ang koronang naagaw niya noong isang taon sa first title defense ni Pinoy King Arthur Villanueva.

Nung Abril pa dapat ang bugbugang ito pero nakansela dahil sa natamong injury sa training ni Arroyo.

Inihanay ni Ancajas ang pangalan sa mga Filipino world champs na sina WBO bantam king Marlon Tapales, WBO junior featherweight champion Nonito Donaire, Jr., at IBF flyweight king Johnriel Casimero.