Ancajas walang pake sa virus

Hindi alintana ni Jerwin Ancajas ang banta ng COVID-19, patuloy sa puspusang training bilang paghahanda sa pagdepensa ng kanyang International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight belt kontra Mexican Javier Rodriguez sa Abril 11 sa Cosmopolitan Resort & Casino sa Las Vegas.

“Tuloy daw po ang laban,” sambit ni trainer Joven Jimenez nitong Linggo. “March 20 kami aalis.”

Ito rin ang kinumpirma ni MP Promotions president Sean Gibbons batay sa advice ng Top Rank at sa mensahe nitong “all good so far”.

Nakatakda sanang maganap ang laban noong Nobyembre 2 sa California ngunit nakansela dahil sa US visa problem ni Rodriguez.

Sa ngayon, tuloy sa pag-eensayo si Ancajas sa Maynila bago ito lumuwas.

“Kailangang ingat na ingat at tago na tago,” ayon sa balitang unang lumabas sa Spin.ph. (JAT)