Andaya kay Diokno: ₱370B ‘pork’ nasaan?

Sa wakas, umamin na si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diok­no sa daan-daang bilyong piso na savings, ayon kay House committee on appropriations Chairman at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr.

Pero sa halip na ipaliwanag ni Diokno kung paano ginasta ang savings ay puro ‘general statement’ lang umano ang kartada nito, batay kay Andaya.

“When he claimed that the P370 billion sa­vings from 2017 reverted to Treasury, does he mean that these unexpended appropriations are still unspent and remain stagnant to this day? Of course not. We do not keep public funds in the treasury for savings or time deposit. We spend them for programs and projects the follo­wing year. Appropriations have a minimum shelf life of two years,” pagbibigay-diin ni Andaya.

Hindi aniya trabaho ng gobyerno ang mag-impok sa bangko.

“Ang buwis ng tao, ibinabalik sa pamamagitan ng serbisyo. Ano ‘yan, pinatutubuan ng interest habang maraming nagugutom at walang trabaho? Secretary Diokno, gumi­sing ka naman sa katotohanan. Utang na loob,” hirit ni Andaya.

Kung paano aniya ginastos ang savings noong 2017 ay wala pa ring malinaw na kasagutan mula kay Diokno.

Kung wala umanong pork barrel ang DBM ay bakit hindi mailantad ni Diokno ang paliwanag sa savings ng 2017 at 2018.
“He has the guts to deny before the media that these savings are being disbursed by DBM, yet he cowers in fear at the thought of being asked about it in Congress. Five times we invited him to explain in Congress. Five times, he has chickened out,” pahayag ni Andaya.

Kung may P370 bilyon na savings noong 2017 ay pihadong mas malaki umano ang halaga ng sa­vings para sa 2018.
Ang kalihim lamang ng DBM ayon kay Andaya ang may kapangyarihan na mag-disburse para sa mga programa at proyekto ng gobyerno.

Dapat na umanong matigil ang ‘savings-for-pork conversion.’

Binanggit ni Andaya na ang Kongreso ang naglaan ng pondo sa partikular na mga programa at proyekto ng gobyerno.
Obligasyon aniya ni Diokno na ipaliwanag sa Kongreso kung bakit hindi ginagamit ang pondo.
Galing sa buwis ng taumbayan ang pondo para sa mga proyekto kaya tungkulin ni Diokno na idetalye sa publiko kung paano ito ginugugol.

“Our economic mana­gers keep on asking Congress to raise taxes. But if Secretary Diokno is to be believed, hundreds of billions of pesos in savings are lying idle in our national coffers.

“Taas tayo nang taas ng buwis, bilyon-bilyong piso naman pala ang nakatagong savings sa treasury,” giit ni Andaya.
“This is no longer acceptable. We demand an official and full report on the utilization of these savings from the national budget. If Secretary Diokno cannot account for these funds, a basic function in public expenditure, he has no business staying one minute more in office,” ayon pa sa House leader.