Andeng Ynares, unang babaeng alkalde ng Antipolo City

Naging matagum­pay ang pagtakbo ni Ate Andeng Ynares bilang bagong mayor ng lungsod ng Antipolo ngayong Halalan 2019.

Gumawa ng kasaysayan ang landslide victory ni Ate Andeng dahil siya ang kauna-unahang babaeng mayor sa Antipolo City. Umani ng mahigit 235 libong boto, pinakamataas na bilang ng isang mayor sa kasaysayan ng lungsod, si Ate Andeng na nagdala sa kanya upang maging pang-23 na Alkalde ng Antipolo.

“Nagpapasalamat po ako at ang aking pamilya sa tiwala at suportang ibinigay sa akin ng aking mga kapwa Antipolenyo. Nakakataba po ng puso na kasama pa rin namin kayo sa patuloy na pangangalaga, pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating mahal na lungsod. Hindi po ninyo kami iniwanan. Nagpapa­salamat din po kami sa ating Panginoong Diyos na alam naman po natin na hindi po mangyayari ang lahat ng ito kung hindi po niya kaloob,” sabi ng bagong halal na alkade.