Andi, beast mode kay Jake sa Twitter

Andi Eigenmann

CAMP Patutsada! Nagparunggit si Jake Ejercito sa ex na si Andi Eigenmann sa Twitter.

Tweet ni Jake, “Alright, I’ve no idea why I’m being mentioned in interviews to promote something I’m not even part of and when my clo­sest connection to the film is someone I haven’t been in proper contact with for a long time.

“Can’t you promote your film by only entertaining questions about the film or perhaps your career?

“As much as I’ve tried my best to ignore it, I can’t stay silent when I am conveniently and effortlessly being maligned out of nowhere.

“Stay positive and real, everyone. And for those who aren’t, try it. Life is too awesome.”

May hashtag pa si Jake na #CampMoveOn.

***

Intense. Toxic. Beast mode.

Naglalagablab ang tweets ni Andi Eigenmann, na isa sa mga bida sa pelikulang Camp Sawi.

“Bago mo isipin na ginagamit ka sa pelikula, sana, inisip mo muna na sumasagot lang po kami base sa kung ano ang nararamdaman namin nu’ng mga panahon na ‘yon.

“Sorry naman kung hanggang hiwalay na tayo, bawal ko pa rin i-share ‘yung PERSONAL kong pinagdaanan para makapag-move on.

“Is it just me or hindi nakakalalaki na hindi mo matanggap na nakasakit ka rin ng ibang tao?

“At out of limang sawi, ikaw lang ang ex na nag-feeling, na ginagamit ka namin para makapag-promote ng pelikula.

“Mayroon akong a­pat na maganda, sexy, at magagaling na kasama sa pelikula. Hindi kita kailangan para lang panoorin ang pelikula namin.

“So, bago mo isipin na ginagamit ka, o idinadamay ka sa pelikula, sabihin mo na lang sa mga tao na ‘wag nila akong tanungin tungkol sa mga tao o mga oras na pinakanasaktan ako.

“If you have no ounce of respect for me, then I have lost all respect I had left for you…”

***

Lilipad ngayon mula sa bahay niya sa Zam­boanga ang ating Olympic Silver Medalist na si Hidilyn Diaz at tatangap ng commendation sa Senate.

Marami nang ibang guestings ang naka-line up at mukhang mai-MMK ang buhay ni Hidilyn.

***

Kakaibang The Walking Dead ang mapapanood simula bukas (Huwebes) nang gabi sa TV5.

Tuwing Huwebes nang 7:00 PM ito mapapanood sa Happy Network.

Zombies pa more!

***

Bigo si Barbie Forteza na maging best actress sa Cinemalaya. Bigo rin siyang maging best supporting actress.

Since a-attend din naman pala siya sa awards night, bakit kaya tumanggi siyang maging host sa red carpet at naging presentor na lang?

***

Sino itong aktres na naanyayahang mag-pre­sent ng award ng Cine­malaya at nangingimi ang organizers noong una dahil baka magpres­yo ito agad?

At iyun nga ang nangyari, nang tanungin nila ang handler nito, nagkatinginan na lang ang mga nag-imbita dahil as expected, ang unang tinanong ng handler ay ang honorarium.

To think na suki raw nila ang aktres sa teatro noon pa man. Hayyyyy…..

***

Tumatawa-tawa na lang ang isang prodyu­ser na sinabing mahina sa takilya ang pelikula nila pero pagkatapos ng auxi­liary rights ng pelikula, baka makabawi rin sila.

Lumang-luma raw kasi ang storyline at hindi kinaya ng Cinema Evaluation Board na bigyan ito ng rating dahil napaka-politically incorrect nito.

Sayang!

***

Maglalaban sina Kim Domingo at Yen Santos bilang breakthrough leading ladies ng taong ito.

Si Kim ay nasa teleserye nina Heart Evangelista, Dennis Trillo at Joross Gamboa na Juan Happy Love Story.

Si Yen naman ay nasa All Of Me at ngayon sa Because You Love Me with Jake Cuenca & Gerald Anderson.

Ngayon, si Kim ang kapartner ni Vhong Navarro sa remake ng Mang Kepweng.

Si Piolo Pascual ang leading man ni Yen sa made in New Zealand.

Lubos silang pinagpala, ‘di ba?

Tanong ng Tanglaw Diva, pagkatapos ba ng mga pelikula nila, ligtas na sila sa pagiging The Who?