Andi, gamit na gamit si Jake

GAMITIN MO AKO ang pamagat ng 1985 bold movie ni Direktor Ishmael Bernal, na nagtampok kina Stella Suarez Jr., Al Tantay, William Martinez at Miss Rita Gomez.

Parang iyan ang dapat na pamagat para sa bagong pelikula ni Andi Eigenmann and the rest of the starletitas na kasama niya.

Eh kasi naman, gamit na gamit ni Eigenmann ang kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito para sa promo of the movie na nega ang title.

Ito namang si Andi, pag mga nakalipas na ‘di na maaring balikan, SHUT UP ka na lang.
Sabi mo, may bagong boyfriend ka na. Bakit kailangang kasali pa sa equation ang binatang Ejercito in all your conversations with the press?

Neng, kung hindi ka pa totally healed at super duper percent na nakaka-pag move on kay Jake, magpakatotoo ka na lang and don’t give a lame excuse na may karelasyon ka now.

Kung talagang tuyo na ang damdamin mo sa ex, you can always politely say to the press na, “I will not entertain questions about Jake kasi break na kami and we are both happy with our respective lives.”

Eh kaso, hindi.
Ginawa mong national issue ang pagpayag niya na maging third wheel sa love pairing nina Alden Richards & Maine Mendoza.

Jake Ejercito
Jake Ejercito

Super tuliro ka sa pagpayag nito na maging bahagi of a Lenten show special.
Ano ito?

Wala bang sariling pag-iisip si Jake at kailangan ang mga pangyayari sa buhay niya has your blessings?

Sabi mo, hindi na kayo BF-GF. Saan galing ang pagka-bothered at feeling hurt and betrayed sa fact na your ex tried to act on TV?

Bawal na ba ‘yun? Eh bakit ikaw, you have been paired with this and that studlet, wala naman kaming nabasa o narinig from Jake about it.

Girl, you are obviously not over Jake kaya may chance na may emotional impact sa present boyfriend mo ang iyong mga pahayag.

Nega na ang titulo of your forthcoming movie, nagpapaka-negastar ka pa.
Mabuti pa ang the rest of the starlets na kasama mo, chill lang. Happy thoughts lamang.

I hope itong latest movie na ito will not suffer the same fate of your last pelikula.
Ano na nga ba ‘yun? Ayan, nagka-selective amnesia tuloy ang diva that you love.

Mukha pa namang promising at kwela ito.

***

Again, speaking of Jake Ejercito, may mga tiktak ng chikang nagsa­sabi na may chance na siya ang ipalit kay Alden Richards sa Filipino remake ng Korean drama na My Love From The Star, kung saan ang bidang babae ay si Jennylyn Mercado.

Nagbunyi si­yempre pa ang fans at suppor­ters ni Jake, proclaiming si­yempre na siya ang perfect na maging Matteo.

Sigh of relief naman from the AlDub fanatics ang news dahil kung natuloy na ang Pambansang Bae ang kapareha of the ultimate star, paano na si Mendoza?

After a movie hit, ano ‘yun, lost in space, lost in emotion at lost in translation na agad si Menggay?
Well, quick to draw ang Ejercito to quash the tiktaks.

Ang sabi niya sa kanyang posts, “Just to put an end to some speculations and outrageous comments, I am not doing a TV show anytime soon.”

“Nothing against the people behind the show though! It’s just that my school sched won’t permit me to do anything time consuming.”

He ended his posts with a smiley kaya ang supporters niya, are keeping their fingers crossed and hoping against hope na the Universe conspires for a Mercado-Ejercito TV pairing to be a reality.

Kung hindi man ito mangyayari, may tamang panahon pa rin for it.

***

Kung sabagay, promising at kwela rin ang That Thing Called Tanga Na pero ang ba­lana, dabarkads at madlang pipol, tila ayaw suportahan ang pelikula.

I hope magbago ang kapalaran nito this weekend.
Positive pa naman ‘yung clips kung saan ipinapakita nila ang happy relationships of gay couples as they share some details of their rainbow colored relationships.

Magaling at convin­cing sina Eric Quizon as Papa Chu at Kean Cipriano as CC. Papable na papable din si Albie Casino.

Kaya lang, sa Southern mall sinehan na a­king pinanooran, dalawang beses lang ang screening nito. The time that I watched, walo lang kami sa sinehan.

Nag-second the motion ang isang diwatang kabogera, “Dalawang sceering time lang ang sked sa mall na pinunta­han namin kaya ‘di na kami nakapanood.
“First screening kasi, anim lang ang pumasok. Second screening, 23 ang pumasok.”