Andi hiwalay kay Elle

Umiral ang pagka-ina ni Andi Eigenmann nang mawalay ito sa kanyang baby.

Sa ngayon kasi ay nasa Siargo ang 29-anyos na aktres habang ang bunso niyang si baby Elle ay nasa Metro Manila.

“Grateful to be on the island during this time, but life just isn’t the same without my darling Elle. I know she is doing great and safe in Manila but I miss her sooo much every single day,” pahayag ni Andi.

Gustuhin mang sugurin at yakapin ang anak, hindi ito magawa ng aktres matapos maipit sa pinaiiral na enhanced community quarantine.

“This experience has made me recognize the strength in me. It’s been most helpful to stay positive and trust that things will eventually get better for all of us,”dagdag pa niya.

Dahil sa sitwasyon ay inaliw na lamang ni Andi ang sarili kung saan makikita sa kanyang Instagram account na habang malayo sa anak ay ini-enjoy nito ang kalikasan.

“I will never take for granted the health and happiness nature can give us.” (AE)