ANDI AT JAKE, NAGKASUNDO SA KORTE

andi-jake

MASAYANG naikuwento sa amin ni Atty. Ferdie Topacio na nagkaayos na sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann nang nagkaharap sila sa korte noong June 22.

Hindi lang nila in-allow na mag-cover ang media nang magharap sila sa korte sa San Juan pero inaasahan na nilang magkakaayos din dahil iisa lang daw ang kagustuhan nila na maproteksyunan ang kanilang anak.

Hindi idinetalye ni Atty. Topacio kung ano ang nangyari nang nagkaharap sila, pero nagkasundo na sila pagdating sa custody ni Jake kay Ellie.

Naka-schedule daw ang pirma­han nila sa korte sa July 24, pero baka ma-move ito dahil sa SONA na naka-schedule sa araw na iyun.

Wala raw silang problema na sa bata at nangako raw si Jake ng suporta niya para kay Ellie.