Pinutakti si former National Basketball Association at Team Pilipinas naturalized player ng Team Pilipinas na si Andray Blatche nang pamba-bash sa social media at ang sigaw ng mga netizen ay palitan na siya!
Sa laban kontra Italy sa 18th FIBA World Cup 2019 prelims, nakatapos si Blatche ng 15 points, 10 rebounds ngunit bumitiw din ng 9 turnovers.
Ginisa lalo si Blatche sa laban ng bansa kontra Serbian national team na gumawa lang ng 5 points, 6 assists at 4 rebounds.
Karamihan ng komento kay Blatche ay gaya rin kay Kiefer Ravena, out of shape umano ang mga ito kaya iba ang naging resulta ng performance.
Nang ma-interview ng Abante si former Gilas 3.0 & 4.0 coach Tab Baldwin, aniya’y mas pipiliin niya si Jordan Clarkson na ang maging naturalized player.
Tiyak namang NBA caliber si Blatche, nagkulang lang talaga sa preparasyon ang national team at ‘ika nga, ‘too much’ ang mga naging ka-bracket ng ating koponan.
Ilang beses namang nagpresinta si San Miguel Beer Commissioner’s Cup 2019 import Chris McCullough na maging naturalized player ng National team, na pinapaboran ng karamihan dahil sa talento at edad nito, na 24-anyos pa lang.
Karapat-dapat na nga bang magretiro si Andray Blatche?
***
Inulan naman ng papuri ang former LPU Pirates star at ngayo’y Columbian Dyip main man CJ Perez dahil sa puso nito at performance na mala-import ang laro .
Kinabiliban ang tapang niya at kapwa rookie Robert Bolick na kahit baguhan nga sa big stage, buong tapang na rumaragasa sa court.
Nawala man si Castro, may pumalit na bagong player na buo ang loob at ‘di natatakot kahit pa mala-David at Goliath ang senaryo.
***
Kung kayo po ay mayroong reaksiyon o balak itanong, mag-email lamang po sa alecpaolo2016@gmail.com.
Patuloy ninyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-6 ng gabi sa Abante News Online.
Maraming salamat po!