MAY pinaplano sana na show ang GMA 7 para sa mag-amang Benjie at Andre Paras, pero ang tsika ni Manay Lolit Solis kahapon, hindi muna matutuloy ‘yon.

May canned series pa kasi sa ABS-CBN si Benjie na hindi naipapalabas, kaya “goodbye” na muna sa planong show nila ni Andre sa Kapuso network.

Kailangan munang ipalabas ang Paulo Avelino-Ritz Azul canned series ng Kapa­milya network kung saan kasali sa cast si Benjie at kapag natapos na ‘yon, tsaka pa lang puwedeng magkaroon ng show sa Siyete ang dating basketbolista.

One Response

  1. Si TJ Trinidad nga nakita ko sa teleserye nina Kim Chiu, Gerald at Jake kaninang umaga pero na sa Mulawin vs Ravena din siya. Saka si Irma Adlawan na sa Trops ng GMA tuwing umaga at sa gabi naman ay na sa A Love To Last siya ng team TonDeng.