SA dami ng exciting na ginagawa ng role niya bilang Venus sa Alyas Robin Hood, paborito ni Andrea Torres ang iba’t ibang costumes niya.

Tuwang-tuwa siya sa iba’t ibang karakter na naipapakita niya sa serye, kaya ito ang nilu-look forward ng Kapuso actress tuwing taping.

Ang higit sa lahat na inaabangan niya ay ang paghaharap nila ni Solenn Heussaff sa show.

Ayon kay Andrea, si Solenn ang gusto niyang makilala pa nang husto dahil bilib siya sa mga talent nito.

Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

“Kakatapos lang niyan mag-taping, tapos mamaya makikita mo nagdyi-gym, o kaya nagpe-painting.

“Doon ako natuwa sa kanya, ang sipag niyang tao.

Ibibigay mo talaga sa kanya ‘yung credit sa lahat ng na-achieve niya, pinagpaguran niya talaga.”