NI: VINIA VIVAR

Tinawanan lang ni Andrea Torres ang netizen na nagtanong kung buntis siya.

Nag-post si Andrea sa kanyang Instagram account ng larawan nila ng boyfriend na si Derek Ramsay na magkasama. Finally kasi ay nagkita na sila after almost 3 months of quarantine.

Caption ni Andrea sa larawan, “my little piece of heaven.”

Sa comments section ay nag-comment si Derek ng “missed you” na sinagot naman ni Andrea ng “missed you too my baby! Thanks for visiting us.”

May isang netizen na nagtanong ng “pregnant ka daw?” at sagot ni Andrea, “woah! Haha. Hindi po.”

Matatandaang nagsimula ang relasyon nina Derek at Andrea habang ginagawa nila ang seryeng The Better Woman. Simula nang umamin sila ay panay ang post nila ng kanilang sweet moments together at kitang-kita naman talaga na sobrang in-love sila sa isa’t isa ngayon.