Kahit pa nga matagumpay ang kanyang pag-aatribida at pagmamaganda bilang Marga sa afternoon drama na “Kadenang Ginto”, si Andrea Brillantes, sad to say, ay television star pa rin lang.

Ilang oportunidad na rin ang binigay sa kanya para maging bida o support sa pelikula pero palagian, “miss” o sumemplang ito sa takilya.

Ang “The Ghosting,” kung saan si Brillantes at Khalil Ramos ang mga bida, how true na sa unang araw nito sa mga sinehan, sa 49 cinemas nga lang ba ipinalabas ito? At sa susunod na araw, gone with the wind at lost in space na agad ito?

Kung ganyan nga ang kaganapan, ang mga career handler ni Andrea, dapat mas maging maingat sa pagpili ng mga proyektong pampelikula niya.

Nakakasira sa kanyang corporate imaging at public perception na siya ay young flopsina princess. Kasi kung laging luhaan sa takilya ang kanyang movies, asaan na ang mga social media follower niya, ano ito, wala pala silang purchasing powers?

Ang mga pumupuno at nagtutumili sa mga mall show, andu’n lang kasi libre ‘pag may bayad uwian na?

‘Yung mga may mga Marga Mondragon aspiration, ang katauhan ni Andrea Brillantes, kaya niyong gayahin at kopyahin ang bushy brows pati na rin ang kanyang styling sa soap pero wala naman pala kayong kakayahang manood ng mga pelikula niya?

Ang pangmalakasang tanong, anong klaseng pelikula kaya ang dapat gawin ni Andrea Brillantes para ang balana at madlang pipol, sumugod sa mga sinehan at panoorin talaga ito in a major, major way?

Kyle push ang friendship kay Barretto

Marami kaya ang matutuwa o mas marami ang nenerbiyusin ngayong hayag na malapit na magkaibigan pala sina Julia Barretto at ang lalaking pinag-aagawan nina Marga at Cassie, si Kyle Echarri?

May ganitong paglalahad ang binatilyo para sa millennial nymphet sa IG: “Glad to know you.

“You are one amazing & strong woman. Never let the ‘talks’ bring you down. Not everyone will be willing to lend their ears but the truth will always be your greatest weapon. Never lose that beautiful smile. There are so many of us who want to see you happy. Thank you for everything.”

May dagdag-paliwanag pa ang young heartthrob: “You can judge me however you’d like for simply being a good friend and I don’t mind that, my friends know how I am with them. But I despise people who judge women and disrespect them just because they feel they are entitled to say whatever they want not thinking of how it’ll affect others and worst, judging & making assumptions even when they don’t personally know them. It’s not a good habit, it is rude and really a representation of who they are. Learn to respect. It is not hard to do.”

Dahil best in English ang iyong paglalahad Kyle, at tama ang grammar, push na ang friendship mong iyan kay Julia Barretto.