
SA isang not so secret pink portal, pinangalanan at ipinangalandakan ang mga tauhan na bida sa isang bulag na tsismis.
Ang chika, tungkol sa isang aktres na insecure sa isang mas batang aktres na makakasama muli ang isang aktor sa isang drama series.
Ang aktres, laging may alegasyon na naging urban legends na palagiang inaaway ang mga naging kapareha of the aktor, na nagkataong asawa na niya at may maganda pa silang anak.
Naglambing daw ang aktres sa pamunuan na huwag pagtambalin ang batang aktres at waswit niya pero nagdabog ang bangs ng mga powers-that-be.
May clamor ang publiko sa tambalan of her waswit at batang aktres, maganda ang ratings of their program kaya ibabalik ito.
Ang nangyari, ayon sa bulag na tsika, ang aktres eh may bagong fantaserye at may noontime variety show para busy-busyhan at Pagoda cold wave lotion na after all her commitments, kaya walang dahilan para magselos at matigil na ang mga agam-agam.
Ayon sa mga dalahira at katkatera threads na walang takot na pinangalanan ang nasa bulag na tsismis, ang mga artistang kanilang pinag-uusapan at kinakatay-katay sa threads — sina Dingdong Dantes, Marian Rivera at Andrea Torres.
Reunited and it feels so good sina Dantes at si Torres sa Alyas Robin Hood 2 at talagang marami ang dalang-dala at darang na darang sa pairing nila.
Para sa show diehards, Dong at Andrea scorch bilang Pepe at Venus.
At ang mga imahinasyon of their followers are forever ballistic at tunay malikot.
Damang-dama nila at paniwalang-paniwala sila sa mga kaganapan, hindi lang ang chemistry, kundi ang heat at sexual tension between the two.
Pinaglalaway at pinag-iinit ang kanilang katawang lupa.
Perfect TV couple kasi sina Pepe at Venus — isang mestizo, isang Pinay-Pinay, isang maginoo at isang kaakit-akit. Barakong-barako si Pepe, woman of the world si Venus.
May dahilan ba para mag-alala si YanYan?
Ang diva that you love, walang pananalig na may selos-selos or insecurity factor na nararamdaman si Marian kay Torres.
May pananalig ako, pati na rin ang mga nagmamahal sa kanya, na Rivera knows her place in Dantes’ heart.
Siya ang asawa at mother of his child. She knows better at alam niyang nakaukit ang pangalan niya sa puso, pagkalalaki at kaibuturan ni Dingdong.
Si Dantes din, is not the playboy or mangangalunya type. Edukado, disente at walang dudang wagas at magpakailanman ang pagmamahal niya sa kanyang mag-ina.
Hindi lang siya doting father kay Zia, loving at devoted husband pa siya kay Marian.
Hindi kasalanan ni Torres if palpable ang sexual tension at chemistry nila ni Dong.
Napaka-unfair on her part to be pictured as a woman who dares and teases a married guy.
Kung may mga nag-iisip she has what it takes na agawin ang hindi sa kanya, hindi ako naniniwala.
Hindi porke’t sexy vixen ang kanyang packaging, sa totoong buhay eh ganu’n din siya.
Mukhang pinalaki si Andrea na busog sa tamang pangaral at alam niya ang good manners at right conduct.
May magagawa ba tayo kung vavavoom ang body beautiful ni Andrea at talagang center of attention ang kanyang ample assets?
Siyempre, wala.
Palakpakan na lang tayo sa katotohanang hindi lang balakangin, hindi lang tamang-tama ang bewang, ikaw na talaga ang may pinakawaging susong dalaga, huh!
Ipinapakita lang talaga nina Dingdong at Andrea na mahusay silang mga arantista kaya napapaniwala nila ang mga kanilang tagasubaybay sa kanilang pagganap bilang Pepe at Venus.
Acting is reacting, sabi nga nila, kaya walang masama sa panalong reaction nina Dantes at Torres sa isa’t isa.
Ipapalabas na ang Book 2 very soon kaya makakaasa tayo na mas marami pang nakakakiliting eksena ang mga bida sa Alyas Robin Hood.