TAUN-TAON ay ­ipinagdiriwang ni ­Andrea ­Torres ang kanyang birthday ­kasama ang children with ­special needs.

Gusto niyang iba­hagi ang nalalaman niya tungkol sa pag-aalaga ng mga batang katulad ng kanyang kapatid.

“Alam ko ‘yung ­challenge sa pag-aalaga ng special children, so ­kailangan maibahagi natin sa iba na ‘yung mga batang katulad nila, kailangan ng doble pang love and care.”

Ginagawa niya ito dahil ­malapit sa puso niya ang kapatid na may kaparehong kalagayan, at gusto niyang through her ­advocacy ay maipakita niya kung ­gaano kamahal ang ­kapatid. Ngayong taon, sinamahan niya ang mga bata ng Reach Foundation sa panonood ng ­locally made ­animated film na Urduja at naki­paglaro sa mga batang nandoon.

***

Kaarawan ngayon nina Manay Lolit Solis at Dr. Hayden Kho Jr.

Bukas ay kaarawan naman ni Nora Aunor.

Sa Mayo 25 naman ang kaarawan ni ­Carlos Gilbert Barrerra ng Cavite City.

Happy b-day sa inyo! Cheers!

***

Nakakatuwa ang guesting ng basketball player na si Jeron Teng sa Meant To Be.

Natulungan ng Most Valuable Player ng UAAP ang JEYA boys na sina Jai Patel (Addy Raj), Ethan Spencer-Hughes (Ivan Dorschner), Yuan Lee (Ken Chan) & Andoy dela Cruz (Jak Roberto) na matalo ang Bro’s Bar ng GAYA boys pagdating sa dami ng customers.

Sure win na ba ang JEYA laban kina ­Matthias Rhoads, Vince Vandorpe, Carl Cervantes & Dave Bornea?

Abangan!