UM-EXIT na si ­Megan Young kaya si Solenn Heussaff naman ang makakatapat ni Andrea Torres sa pagbabalik ng primetime actionserye ni Dingdong Dantes na Alyas Robin Hood.

Ibig sabihin ay si ­Solenn ang bagong makakatalbugan ni ­Andrea pagdating sa paseksihan.

“Oo nga, ‘di ba? Nakaka-pressure! Ha! Ha! Ha!” tawa ng orig na leading lady ni Dingdong sa ARH.

“Excited akong maka-work si Solenn. Kasi, never pa kaming nagka-work sa acting project, laging mga Taste ­Buddies lang, gano’n.

“So, naku-curious ako kung paano siya ‘pag gumaganap ng isang role. Gusto ko siyang maka­eksena, actually.”

Alam ng lahat na sexy si Solenn, kaya ine-expect ng marami na may kabugan na magaganap.

“Ay, oo naman. Parang ‘pag sinabi mong sexy, si Solenn agad ang naiisip,” nakangiting sey ni Andrea.

Magsisimula pa lang mag-taping si Solenn para sa ARH, pero tiyak na hindi nito uurungan si Andrea sa mga pa-bikini.

“Ha! Ha! Ha! Nako, ayan na naman ang mga bikini showdown.

“Kami ni Megan noon, meron. Parehong-pareho kami ng swimsuit.”

In fairness, aminado si Solenn na lamang si Andrea pagdating sa palakihan ng boobelya.

“Uy, hindi, ha? Ha! Ha! Ha!” tawa ng ­27-anyos na Kapuso actress, na nagmumura ang Size 36” cup B na dibdib.

Hindi maikakaila ‘yung screen chemistry nina Andrea at Dingdong.

Sa photo shoot pa lang nila ay ­kitang-kita na ‘yung lakas ng rapport nilang dalawa.

Bakit sa tingin niya meron silang ganu’ng chemistry ni Dong?

“Siguro, pareho kasi kaming ­passionate sa trabaho, na talagang ginagawa lahat para pumasok ‘yung karakter sa sarili namin.”

Mabuti at hindi niya tinang­gihan na gawin ulit ang nasabing role kahit sobrang intriga ang ­inabot niya rito?

“Hindi ako hihindi sa work. Kasi, there was a time, naghahanap talaga ako ng work. Magtataka ka talaga, ‘Bakit ba wala pa?’

“So, I think hindi ­magandang tumanggi sa trabaho. Kasi, ­baka magtuluy-tuloy ‘yan. At ­saka mahal na mahal ko ‘tong show na ‘to!” maigting na bulalas ni Andrea.

Sa trailer ng ARH ay nag-propose na kay Venus Torralba si Pepe. So, magiging Mrs. Jose Paulo ‘Pepe’ de Jesus, Jr. na siya?!

“Nako, maraming twist ‘tong Season 2. Maraming ganap sa first week.

“Abangan kung paano makakarating du’n sa wedding! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Andrea.

Nu’ng February nagwakas ang unang season ng nasabing ­actionserye.

Mamayang gabi ang pagbabalik ng mas pinaastig at mas pinasuwabeng Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad, sa mas pinaaga nitong oras pagkatapos ng 24 Oras.