FOR the longest time ay kapareha ni Andrea Torres ang Kapuso hunk na si Mikael Daez na boyfriend ni Megan Young.

Ngayon ay magkasama sina Andrea at Megan sa Alyas Robin Hood at magkaagaw sila sa bida ritong si Dingdong Dantes.

Masaya si Andrea na magka-work sila ni Megan at maging si Mikael ay happy na ang dalawang girls ay toge­ther in one show.

“Nakakatuwa si Megan, parang matagal na kaming magkakilala, parang matagal na kaming friends.

“Siguro kasi, nakakahalubilo ko rin naman siya. Nakakasama ko na siya, nakaka-bonding ko na siya kahit saglit-saglit lang.

“Kaya hindi ako nailang sa kanya. Ne­ver naman kasi akong nakarinig na na-off si Megan sa akin or something,” bulalas ng 26-anyos na Kapuso star.

***

Mikael Daez at Megan Young
Mikael Daez at Megan Young

Na-excite si Andrea sa role niya sa Alyas Robin Hood bilang high class killer na si Inday a.k.a. Venus.

Magpapakita siya rito ng konting boxing at Muay Thai. Kakaiba ang karakter niya at may panggulat ito bilang astig na babae na maru­nong bumaril at sumabak sa aksyon.

Tsika pa sa amin ng dalagang malulusog ang dibdib, for the first time ay pumayag siya ritong mag-two-piece swimsuit sa TV.

Dati kasi ay pala­ging cut out na one piece ang sinusuot niya. Dito ay two-piece bikini and not just one but two scenes.

So far, wala pa silang love scene ni Dingdong, na nakatrabaho na niya before sa My Beloved (2012) at nag-guest siya sa Pari ‘Koy (2015).

Pagkatapos ng afternoon Kapuso soap niyang Millionaire’s Wife kung saan sobrang aping-­api siya, nasabi ni Andrea na ang gusto niyang kasunod na role ay ‘yung naiiba.
Sakto at dumating sa kanya ang Venus role na isang gray character.
Mukha siyang intimidating at masungit, pero may kabaitan siya.
Si Venus ang magiging instrumento para maging Alyas Robin Hood ang criminal lawyer na si Pepe de Jesus (Dingdong).
***
Kantiyaw namin kay Andrea, umamin na sina Megan Young-Mikael Daez at Max Collins-Pancho Magno. Kailan kaya sila aamin ni Sef Cadayona?

Tumawa lang si Andrea at sige pa rin sa pag-iwas sa isyung ‘yon. Matagal na sila ni Sef, pero hanggang ngayon ay ayaw pa rin nilang umamin.

Ang standard answer pa rin ng seksing dalaga ay close sila ni Sef at happy sila.

Katwiran niya, kanya-kanyang preference ‘yan at depende sa karelasyon, na para na rin niyang sinabi na mas gusto nila ni Sef na maging tahimik lang at pribado ang kanilang lovelife.

Sa Lunes (September 19) ang simula ng Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia.