WOW! Makabagsak-panga ang sexy photos na pinost ni Andrea Torres kamakailan sa Instagram.

Sa unang pagkaka­taon, nag-two-piece siya sa TV.

Bongga ang paglabas ng kanyang character na si Venus sa Alyas Robin Hood, huh?!

“YES, this week na. MALAPIT NA MALAPIT niyo na makilala si VENUS. #AlyasRobinHood #firsttimekomag­twopiecesatv #ilovethisshow Haha! #wakeywakey MsVenus,” saad ng aktres sa caption.

***

Solenn Heussaff is supported by her husband na si Nico Bolzico sa kanyang career lalo na sa pagpapa-sexy nito sa TV.

Si Nico pa raw ang nag-e-encourage sa kanya na i-post ang mga sexy photos sa Instagram tulad ng nag-viral recently na photo niya sa Bali.

Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

Kuwento ng Encantadia star, “Yung last one na naging viral daw na may hat, I just did it for fun tapos sinend ko sa kanya before I put it on Instagram not to ask for his permission but just to show na look what we’re doing in Bali.

“Tapos sabi niya…. Sige, post it in Instagram.”

Nagpapasalamat si Solenn sa pagiging understanding ng kanyang asawa.

***

Isa sa mga close talaga sa namatay na Senador Miriam Defensor Santiago­ ay si Heart Evangelista na parang magulang ang turing niya.

Ngayong nasa Duterte delagation si Heart sa Vietnam with husband Senator Chiz, hindi kaya ma-cut short ito para magbigay-galang sa yumaong mambabatas?

“She died peacefully­ in her sleep this morning,” ang sabi ng kanyang asawang si Atty. Jun Santiago.

Sa pagkamatay ni Senator Miriam, matabunan na muna sana ang mas dumudumi pang drama sa isa pang Senadora na si Leila de Lima.

***

Sen. Miriam at Atty. Jun: TILL DEATH DO US PART
Sen. Miriam at Atty. Jun: TILL DEATH DO US PART

Bilang paggunita sa alaalang iniwan ni Sena­tor Miriam Defensor-Santiago, tampok sa Wagas ang kuwento ng pag-ibig ng yumaong senadora at ng asawa nitong si Atty. Jun Santiago bukas (Sabado, October 1) nang 7:00 PM sa GMA News TV.

“The Iron Lady’s Love” ang title ng epi­sode na tampok sina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann bilang Sen. Miriam & Atty. Jun.

Ang kuwento ng pagmamahalan ng mag-asawa ay nagsimula sa ­pasilyo ng University of the Philippines sa ­Diliman, QC.

Hindi agad pinangarap ng matapang na ­senador ang magka­pamilya.

Ang nais niya ay magmadre.

Kahit marami siyang manliligaw, nakatuon ang atensyon ni ­Miriam sa kanilang school ­publication.

Siya ang unang babaeng editor-in-chief ng The Philippine Col­legian.

Dahil sa kanyang kakaibang karisma, naakit kay Miriam ang mayaman at campus heartthrob na si Jun.

Sa una ay nabigo si Jun na mapabilib ang campus journalist. Suba­lit dahil tapat ang kanyang pag-ibig sa dalaga, at dahil na rin sa pagtitiyaga, nakuha ni Jun ang matamis na “oo” ni ­Miriam.

Mula sa pagiging bagong abogado hanggang sa pagiging may-bahay, ina at kinalaunan ay pagiging political icon, laging nasa tabi ni Miriam ang asawa.

Noong June 2011, muling ikinasal ang mag-asawa tanda ng kanilang 40 taong pagsasama.

***

Totoo ba ang tsikang malamang isama ang tambalanag Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa LizQuen movie­ with Direk Cathy Garcia-Molina?

Parang CharDawn lang ba ito sa KathNiel movie na She’s Dating A Gangster?

I’m sure a Sharon-Gabby impact should be greater pagkatapos hintayin ito ng mahabang panahon.

***

Mapangahas at moder­nong pag-ibig ang istorya ng pelikulang The Third Party, na nakatakdang ipalabas sa Oktubre 12.

Nagkagustuhan noong high school sina Andi (Angel Locsin) at Max (Sam Milby).

Nagkahiwalay sila. Sa muling pagtatagpo nila, ipapakilala ni Max kay Andi ang bago niyang dyowa… si Christian (Zanjoe Marudo).

Titira ang tatlo sa iisang bubong.

May pag-asa pa ba si Andi na magkabalikan sila­ ni Max?

Nalilito lang ba si Max sa sarili?

Hadlang ba talaga si Christian kina Andi at Max? (Abante TONITE Entertainment Staff)