MAS daring na action scenes ang inaabangan ni Andrea Torres bilang Venus sa second season ng Alyas Robin Hood.
Wushu, Muay Thai, boxing at firing ang ilan sa mga training niya habang naka-break sa taping.
May isa pa siyang secret weapon na inaaral.
Surprise pa ito dahil gusto niyang magulat na lang ang mga tao ‘pag lumabas ito sa show.
Dati ay hindi siya mahilig sa boyish na activities pero ngayon ay enjoy na enjoy siya sa action.
Masaya ring sinabi ni Andrea na bilib siya sa writers dahil hindi niya in-expect ang magiging entrance ni Venus sa season 2.