Andrea Torres dinenay

tonite-imo-vinia-vivar

Game na nakipagbiruan si Jinggoy Estrada sa mga entertainment press sa presscon niya last Wednesday bilang advance celebration na rin ng kanyang kaarawan sa Feb. 17.

Natanong kasi siya kung sino ang gusto niyang maging leading lady kung sakaling magbabalik-pelikula siya at sey niya, hindi na raw niya kilala ang mga bagong artistang babae natin. Ang mga kilala pa raw niya ay sina Sharon Cuneta na mga kasaba­yan niya.

Napunta ang usapan kay Kim ­Domingo na du­malaw sa kanila ni Bong Revilla noong nakakulong sila at inamin naman ito ni Sen. Jinggoy at natatawang sabi niya, “sexy pala.”

Tinanong din kung totoong gusto ­niyang makasama si Andrea Torres sa pelikula.
“Sino si Andrea?” honest niyang sagot.

Nag-sorry dahil hindi raw niya kilala si Andrea. Hindi rin daw dumalaw.

When asked kung sino pa ang ibang dumalaw, aniya’y wala na raw.

“Wala akong nakikita. Kami lang ni Bong ang araw-araw nagkikita. Saka mga asawa namin. Dalawang tao lang ang masaya noong nakulong kami, eh. Si Lani at saka si Precy (asawa nila), alam nila kung saan kami pupuntahan, eh,” pagbibiro pa ni Jinggoy.

Natanong nga rin namin siya kung nakapag-second honeymoon na ba sila ni Precy simula nang makalabas siya at aniya ay oo naman.