Ratsada na ang mga celebrity sa pagpaparamdam kung ano ang dapat asahan sa kanila ngayong 2019. Isa sa mga nagpaparamdam ay si Andrea Torres.

Nitong 2018, isa si Andrea sa ikinukunsiderang ‘hot property’ ng GMA-7 dahil sa kanyang sexiness.

Bumongga nang todo ang karera ni Andrea sa pagbabahagi niya sa netizen at sa buong sambayang Pinoy ng kanyang sex appeal.

At ngayon ngang nalalapit na ang pagpasok ng 2019, tila iki-carried on ng Kapuso star ang kanyang korona bilang Bombshell sa showbizlandia.

Ayan, nagpahiwatig na nga ang aktres sa latest post niya ng kanyang larawan in a two piece blue bikini.

Mukhang lalaban pa rin si Andrea sa mga naglipanang sexy bod sa ­social media. Napanatili pa rin niya ang ­angas ng kanyang alindog.

Hindi lang pinagnanasahan, pinagpapantasyahan, kundi kinabibiliban ng kapwa niya mga babae at artista ang natural na ganda nito.

Isa si Andrea sa mga bagong sibol ng mga “sex symbol” na natural ang lahat ng parte ng katawan.

Tandang-tanda pa namin nang tanungin namin siya tungkol sa kanyang boobs, walang patumangga at kiyemeng nag-dialogue ang aktres ng “oo naman noh! Sige, hawakan mo!”

Doon pa lang, talagang masisiguradong hindi “thank you dok” ang kaseksihan ng dalaga.

Tama nga namang tawaging “natural ang ganda” ni Andrea lalo’t mula ulo hanggang paa, walang anumang binago o inayos dito.

Hindi mahilig sa mga gimik si Andrea. Mas gusto niyang maglagay ng mga beauty product sa kanyang buhok, mukha at katawan para mas lalong magningning ang kanyang alindog.

Makikita naman na kahit kasingit-­singitan ng aktres ay pantay at makinis ang balat nito. Sa paningin ng mga kalalakihan ay masarap dilaan.