Ang 5 waterfalls sa Siniloan at ang 7 lawa sa San Pablo

Sa bayan ng Siniloan sa Laguna matatagpuan ang limang waterfalls. Ito ay ang Buruwisan Falls, Guiling-­Guiling Falls, Lanzones Falls, Binaytuan Falls at ang Sebakon Falls.

***

Ang Buruwisan Falls ang pinaka-popular sa limang nabanggit na waterfalls dahil madali itong puntahan. Ang tubig mula sa Buruwisan Falls ay duma­daloy patungo sa kalapit nitong Lanzones Falls at nagtutuluy-tuloy ito hanggang sa pinakamala­king Binaytuan Falls.

***

Ang Guiling-Guiling Falls ay maliit na water­falls na mayroong 15 hanggang 20 talampakan ang taas.

***

Sa Laguna rin matatagpuan, partikular sa lungsod ng San Pablo, ang pitong lawa. Ito ay ang mga lawa ng Bunot, Calibato, Palakpakin,­ Muhikap, Sampaloc at ang kambal na lawa ng Pandin at Yambo.

***

Ang Lake Bunot ay matatagpuan sa Brgy. Concepcion, San Pablo City. Sa Brgy. Sto. Angel ang Lake Calibato na siyang pinakamalalim sa pitong lawa ng San Pablo. Sa Brgy. San Buenaventura ang Lake Palakpakin­. Sa Brgy. Sta. Catalina ang Lake Muhikap. Sa likuran naman ng San Pablo City Hall matatagpuan ang Lake Sampaloc na siyang pinakamalaki sa mga nabanggit na pitong lawa. Habang ang kambal na lawa ng Pandin at Yambo ay sa Brgy. San Lorenzo.

***

Ang pitong lawa ay mga volcanic craters na matatagpuan sa San Pablo Volcanic Field.

***

Sa Laguna at Quezon makikita ang Mount Bana­haw. Ito ang pinakamataa­s na bundok sa Calabarzon region. Itinuturing ito bilang isang “sagradong bundok” na dinarayo ng mga pilgrim at maging ng mountain climbers.

***

Ang Pulangi River ang pinakamahabang ilog sa Bukidnon. Isa ito sa mga dinadaluyan ng Rio Grande de Mindanao. May 320 kilometro ang kahabaan nito na nagsisimula sa Brgy. Kalabugao, Impasugong, Bukidnon.

***

Ang Balili River ay matatagpuan sa Benguet. Dumadaloy ito sa Baguio­ City at sa mga bayan ng La Trinidad at Sablan hanggang sa La Union kung saan ay tinatawag na itong Naguilian River.

***

Sa Muntinlupa City makikita ang Mangangate River o mas kilala sa tawag na Alabang-Cupang River. Isa ito sa 21 mga ilog na dinadaluyan ng Laguna Lake.

***

Ang Sapang Baho River­ ay dumadaloy sa lalawigan ng Rizal hanggang Marikina. Kabilang din ito sa 21 ilog na dinadaluyan ng Laguna Lake.