Pagbabago ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pag-upo sa Malacañang at pangunahin dito ang pagsugpo sa iligal na droga at kriminalidad gayundin ang paglilinis sa hanay ng kapulisan.
Nagsagawa ng panayam ang Abante TONITE sa mga chief of police ng bawat bayan at siyudad sa Metro Manila at maging sa mga karatig-lalawigan kung ano naman ang maipapangako nila bilang pagtalima sa pagbabagong nais ipatupad ni Pangulong Duterte.
Kilalanin ang mga chief of police sa inyong lugar. Abangan kung matutupad ang kanilang mga ipinangako.
Panayam kay Chief Inspector Mark Joseph Saguid Laygo, officer in charge ng Rosario Police Station sa Cavite:
“Since assuming my post nung July 1, personal ko na pong kinausap ang mga barangay regarding Oplan Tokhang, systematic po ang approach na ginawa natin na hatiin sa apat na cluster ang 20 barangays para mas maipaliwanag natin ng maayos sa kanilang mga BADAC (Barangay Anti-Drug Abuse Council) at dahil po dyan, almost 800 ang nagsurender at nangakong magbabagong buhay.
“Nalinis din po namin ang Top 10 Drug Personality dito sa Rosario, pito po doon ay arrested habang voluntary surrender yung remaining 3, at hindi po dyan nagtatapos ang programa, yung mga sumuko po ay sinalang muna sa community service, tapos ay bibigyan ng livelihood o trabaho na akma sa kanilang kakayahan. Full support po ang pamahalaang lokal ng Rosario, katunayan pati drivers’ license ng mga gustong magmaneho bilang hanap-buhay ay sinasagot po ng munisipyo.
Binibigyan ko rin po ng pagkakataon yung mga hindi pa nagsusurender na hanggang August 11 lang, dahil kung hindi pa rin sila lulutang, magsasagawa na po kami ng massive drug operation laban sa kanila at magtutuluy-tuloy na po yan hanggang sa unang 3-6 na buwan tulad ng binabanggit ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte.”
Really? How about how you framed up and set up one of the police officers in Cavite? You’re the one who’s obstructing justice by arresting and framing up one innocent police officer. God is alive Olazo. People are praying. Oh, remember the 2010 Bacoor Shootout? What happened there? And that media personnel who stood as witness against our family member, you should be careful because you are conniving with a liar. There is a GOD Olazo, and he is alive. God promotes but he also demotes. Your rank will not save you from eternal damnation for your own personal vendetta against our loved one. We are fighting in prayers, IN JESUS NAME.