BE your own kind of beautiful,” may kasama pang naka-drawing na puso ang post ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas sa kanyang social media site. Pang-beauty queen of the highest order ang hanash, ‘di ba, puwedeng lumevel sa mga paandar ni Ms. Universe Philippine contender Catriona Gray, ‘di ba naman?

Ang ugat kung bakit may pang-beauty queen na emote si Ms. Ai eh isang insidente na ikinatuwa at ikinainis niya rin.

 

https://www.instagram.com/p/BhINIdZlhlu/?taken-by=msaiaidelasalas

Sa kanyang kuwento, papunta siya sa kanyang taping location, pasakay na sana sa lift, naulanigan niya ang isang kuda mula sa isang ateng hindi maganda na, “Hindi pala maganda si Ai-Ai no, ordinaryo lang.” Ang guard na walang malay, ang reaksyon sa kuda, “Ano?”

Halatang hindi naintindihan ni Kuya guard ang kuda kaya ang Comedy Queen na hindi nakapagpigil ang panggigigil, biglang na­ging Patola Queen sa ateng ‘di maganda. Ang hanash ni Ms. Ai, “Ate, hindi ko naman sinabing maganda ako aahh. Ang aga-aga, ang impakta mo. Ikaw ba? Maganda?”

Ang ending, literal na gustong magpalamon ni Ateng ‘di maganda sa kinatatayuan niya, pahiyang-pahiya, hindi nakakibo, na­ging estatwa, iyan ang obserbasyon at kuwento ni Delas Alas.

Anong aral dito? Dapat maging maingat sa mga pinagsasabi lalo na kung alam mong makakasakit ng damdamin. May kapangya­rihan ang mga salitang ating binibigkas, it can make and break people kaya hindi dapat magpadalos-dalos sa pagmamaganda.

Kaya ‘yung mga iba diyan na hindi kumikilos ayon sa kanilang ganda, mag-ingat kayo, baka hindi lang talak ang makuha niyo sa inyong subject of hatred.

Baka kung ibang artista ang naka-eavesdrop sa kuda ninyo, buhukan o ‘di kaya gurlisan na lang kayo para matauhan at magtanda. Hindi po bagay ang mga artista, may damdamin rin sila.

Maling akala si Ateng ‘di maganda. Rinig ni Ms. Ai ang pagmamaganda niya kaya ayun, pinatikim ang dapat ipatikim sa kanya. Serves her right.

Jenine may word war sa mga ElNella fan

MAGANDA bang ba­sahin ang pakikipagtalo ng isang nanay sa mga fan? May word war na naman si Ms. Jenine Desiderio sa mga fan ni Janella Salvador na siyempre pa, kasama na naman si Elmo Magalona sa equation.

Nasa You and Me Against The World drama yata sila Salvador at Magalona at ang kontrabida sa kanilang maigting at ayaw na magpalupig na pagmamahalan ay si Desiderio nga.

Si Jenine naman kasi, mahilig sa mga paandar tapos ‘pag nagkomento ang mga supporter of her daughter, ayaw paawat sa pagtatanggol sa kanyang sarili.

Kung wala kang posting­ na, “Every problem is a gift. Without problems, we would not grow,” eh ‘di sana tahimik ang lahat lalo na nga’t may claim ka na you have been ‘considerably quiet’.

For someone who is older and supposedly wiser, pumatol ba talaga sa mga fan ni Janella na maaaring super younger than you? Kung talagang may “malasakit” ka sa anak mo, kiss your social media account at mag-goodbye and do e­very means para magkausap ka­yo ni Salvador privately, in the confines of your home.

At kung ano man ang mapapagkasunduan niyo bilang mag-ina, make it a sacred secret between you and your daughter.

Sa mga kuda at hanash mo sa social media Jenine, hindi nagtataka ang mga sumusubaybay sa inyong mga buhay kung bakit ang inyong dalaga, has found her refuge and sanctuary in the loving embraces and persona of Elmo.

Oo, pribilehiyo mong mag­maldita kasi nga tama ka naman sa drama mong “mommy knows best” pero dapat may limitasyon.

Bilang nanay, tama bang gamitin mo ang social media bilang pang-atake sa iyong anak? If you want what is best for your daughter, hindi ba talaga kayang sa masinsinan at puso sa pusong usapan ang iyong gawin sa iyong anak at huwag gamitin ang social media to call attention?

Baka kailangan niyo na ni Janella ang third person intervention or counseling lalo na nga’t your answers to your ‘bashers’ and ‘haters’ eh nakakawindang na.

Ex ni Richard magkaka-baby na

BAGAMA’T iilan na lang ang may kilala sa dating ingénue na ito kahit pa nga pagkaganda-ganda­, did not quite make it sa showbizlandia, ang devastatingly beautiful na si Jewel Mische-Kurzer at American husband nitong si Alister Kurzer, ay magkakaanak na!

Happy news indeed sa babaeng minsan ay minahal ni Richard Gutierrez. Sooner than soon the world will see a bouncing and healthy baby nina Jewe­l at Alister na three years in the making.

In God’s perfect time nga ang pangyayaring ito para sa lovely Kurzer couple. Congratulations, Jewel and Alister! Feeling ka-close! Hahahaha!