Isang malaking katanungan kung bakit isa o dalawang linggo ay biglang nawawala sa mata ng publiko si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kung kelan pa naman kailangan ang kanyang presensya ay saka naman hindi mahagilap ang ating Pangulo.
Tulad na lang sa nangyayari na pagkalat ng 2019 novel coronavirus ay kanya kanyang pahayag ang alipores ng Pangulo.
Tila may kompetensya pa at nag uunahan sina Presidential Spokesman Salvador Panelo at Sen. Bong Go na itinuturing na De facto Spokesperson ng Pangulo.
Ang mga Malacañang reporter ay minsan nagugulat din dahil biglang maglalabas ng statement si Sen. Go na tungkol sa Pangulo.
Kaya naman kahit balitang pang panguluhan ay napupunta ito sa mga senate reporter.
Pero walang problema sa media ang matindi nito ay parang sinasapawan pa ni Sen. Go si Sec. Panelo sa kanyang tungkulin.
Si Sen. Go ay isang mambabatas na dapat ay ang kanyang pangunahing tungkulin ay bumalangkas sa batas at maaaring magbigay ito ng mga pahayag kung may nais na isulong na panukalang batas sa senado.
Kung totoo man na nakakausap ng senador ng personal si Pangulong Duterte ay dapat na ipalabas ang anumang statement nito sa pamamagitan ni Sec. Panelo na siyang opisyal na tagapagsalita ng Pangulo.
Lumilitaw tuloy na walang courtesy si Sen. Go kay Sec. Panelo at parang natatapakan ang pangunahing tungkulin ng opisyal na tagapag salita .
Sana naman ay isa lang ang tagapagsalita ng Pangulo ay upang hindi na rin magkalituhan dapat iisa na lamang ang pinanggagalingan ng statement na tanging sa Malacañang at hindi na sa Senado