Walang pakialam si Jerrie kung gabi-gabi man niyang ibenta ang laman ni Jane sa mga dayuhan lalo na’t kumakamal siya ng salapi, na kadalasan ay dolyar, mula sa mga dayuhang gumagamit sa katawan ng dalaga na hindi niya kinita sa iba pa niyang mga alaga, kabilang na ang nakababatang kapa­tid ni Jane na si Josie.

Sa loob ng mga lumipas pang buwan, masuwerte na kung may isa o dalawang araw na walang nagiging kliyenteng dayuhan na kumo­kontak kay Jerrie para lamang makatalik si Jane bagama’t kung wala namang parokyano ay mismong ang lalaki naman ang gumagamit sa katawan ng dalaga.

Ang halos araw-araw na pakikipagtalik ni Jane sa iba’t ibang lalaki na karamihan ay dayuhan ang naging dahilan upang may maramdaman siyang kakaiba sa kanyang kalusugan na labis niyang ikinabagabag.

Madalas ay sumasama ang pakiramdam ni Jane na tila nahihilo at nagsusuka kaya’t sa kagustuhang takasan ang kalbaryong binabalikat sa halos gabi-gabing pakikipagtalik sa iba’t ibang lalaking dayuhan, gumawa siya ng paraan upang makaalis sa poder ni Jerrie.

Buwan ng Oktubre ng taong 2014 nang magkaroon ng pagkakataon si Jane na makatakas sa tinutuluyang bahay ni Jerie at Brgy. Commonwealth sa Quezon City at dahil matagal na rin siyang nananatili sa naturang lugar, natutuhan na rin niya ang mga nararapat na gawing pamamaraan upang maghain ng reklamo sa dinaranas na kalbaryo.

Nagtungo si Jane sa pinakamalapit na presinto ng pulisya na nagturo sa kanya ng wasto at mabilis na pamamaraan upang mabigyan ng hustisya ang sinapit niya, pati na ng kanyang nakababatang kapatid, at iba pa nilang menor-de-edad na kasama na ginagawang sex slave ni Jerrie at ibinebenta pa sa mga dayuhan.

Sa tanggapan ng Women and Children Protection Unit (WCPU) ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (CIDG-PNP) nagtungo si Jane at dito niya inihain ang kanyang reklamo laban kay Jerrie.
Mismong si Senior Supt. Harris Fama na siyang hepe ng WCPU ang tumutok sa kaso ni Jane at siya ring direktang nag-uulat kay Police Director Benjamin Magalong na noon ay siyang hepe ng CIDG sa mga kaganapan.

Isa-isang idinetalye ni Jane kay Senior Supt. Fama kung paano hinimok ni Jerrie ang kanyang mga magulang na maisama siya at kanyang kapa­tid patungo sa lungsod, kapalit ng pangako na mabibigyan siya ng trabaho habang pag-aaralin ang nakababata niyang kapatid na si Josie.

Matapos maisalaysay ni Jane ang masaklap na sinapit niya sa kamay ni Jerrie, pinasamahan siya ni Senior Supt. Fama sa mga babaeng imbestigador ng WCPU upang ipasuri sa Medico-Legal Officer ng PNP Crime Laboratory sa Quezon City na isa sa panuntunan sa paghahain ng kasong paglabag sa Anti-Rape Law.

Dito na natuklasan na apat na buwan ng buntis si Jane at hindi niya alam kung sino ang ama ng bata dahil halos gabi-gabi ay iba’t ibang lala­king dayuhan ang gumagamit sa kanya, bukod pa sa palagi rin siyang ginagamit ni Jerrie, ma­liban sa ito sa kanilang sex orgy