Ayon kay Senior Supt. Fama, lahat ng mga nailigtas nilang mga naging biktima ng panghahalay ni Jerrie na kanyang iniaalok at ibinebenta sa mga dayuhan ay pawang mga menor de edad habang si Jane lamang ang pinakamatanda sa edad na 19 na taong gulang at siya ring pinakamaraming naging customer na dayuhan dahil na rin sa angking kariktan at magandang hubog ng pangangatawan.

Nang iharap si Jerrie kay Director Benjamin Magalong sa tanggapan ng opisyal sa CIDG sa Camp Crame, hindi man lamang kinakitaan ng pagsisisi ang lalaki at sa halip ay nagpamalas pa ng malaking kumpiyansa sa sarili sa paniwalang mawawalan ng saysay ang mga kasong isasampa laban sa kanya.

Paliwanag pa niya sa mga awtoridad, ginagawa niya ang panghihikayat sa mga babaeng kanyang kinakalap sa malalayong lalawigan upang tulungan silang makaahon sa kahirapan at mapaganda ang kinabukasan.

Kung nagkakaroon man aniya sila ng pagtatalik ng ilan sa kanyang mga babaeng “tinutulu­ngan,” ito aniya ay kanila ring kagustuhan at isa lamang siyang nilalang na tumutugon sa kanilang pangangailangan.

Nakasaad pa sa police report ng pulisya ang matigas na mga katagang binitiwan ni Jerrie na nagsasabing “Ang ginagawa ko sa kanila, tulong para maituwid ang buhay nila. Kung may nangyari sa amin, kagustuhan namin iyon.”
Taliwas naman ito sa pahayag ni Jane, pati na sa iba pang mga menor de edad na naging biktima, nang ipahayag nila sa awtoridad na pina­ngakuan umano sila ng trabaho ni Jerrie nang himuking sumama sa kanya sa lungsod mula sa kanilang malalayong lalawigan na sa kalaunan ay kanya lamang gagahasain habang nakatutok ang camera upang mai-record ang pagtatalik.

Sa kanyang isinumiteng testimonya, sinabi ni Jerrie na tapos siya sa kursong komersiyo at nagtrabaho bilang freelance tourist guide mula noong taong 2006 na taliwas sa sinabi niya kay Jane na dati siyang OFW sa Saudi Arabia.

Sabi pa ng pulisya, kapag hiniling ng parok­yano na magsagawa ng sariling paglalaro sa kanilang sarili ang mga menor de edad na biktima, puwersahan itong ipinagagawa sa kanila ni Jerrie, gamit ang iba’t ibang uri ng sex toys na kabilang sa nakumpiska ng pulisya habang nanonood ang dayuhan niyang kliyente.

Dahil sa patuloy na panggigiit ni Jerrie na wala siyang ginagawang masama sa kanyang mga menor de edad na kanyang tinutulungan, tinagurian siya ni Director Magalong na isang “Demonyo” lalo na’t hindi niya tinatanggap na mortal na pagkakasala ang kanyang mga ginagawa at isa lamang pagtulong sa mga nangangailangan.

Lumabas naman sa pagsisiyasat ng CIDG na mula nang bumalik sa bansa si Jerrie, may anim na taon na ang nakalilipas mula taong 2014, sini­mulan na niya ang iligal na aktibidad sa pamamagitan ng pangangalap ng mga kabataan sa malalayong lalawigan sa Visayas at Mindanao at ang mga ito ang kanyang hinahalay at tinuturuan ng iba’t ibang posisyon at uri ng pakikipagtalik.

Bukod sa mga kasong isinampa ni Jane laban kay Jerrie sa Quezon City Prosecutor’s Office, may mga kaso rin siyang kinakaharap sa Pasay City Prosecutor’s Office.
Attachments area