Ang ganda ng Taliptip

Minsan tila marami ang hindi nakakaalam na mayroon pa palang magandang dayuhin sa Pilipinas na malapit lang. ‘Yung iba, dumadayo pa sa malayong bahagi ng bansa na maganda rin naman pero mayroon din palang kayamanan na ganda ang Pilipinas na matatagpuan sa Bulacan, at ‘yan ang Taliptip kung saan konektado ito papuntang Manila Bay.

Lingid din sa kaalaman ng marami na mayroon palang mga naninirahan doon upang bantayan ang mga yamang dagat kung saan galing ang mga isdang dinadala sa mga palengke.

Bukod pa riyan, sa kalagitnaan rin ng katubigan doon ay mayroon ding mata­tagpuan na simbahan at ‘yun ay ang tinatawag ng “Simbahan ng Torres”.
Mayro­on ding mga pamilya na naninirahang malapit doon.

Dahil sa YMV & Associate­s at Oceana, nakarating ang Abante sa Taliptip, Bulacan at nadiskubre kung ano ang mayroon sa lugar na iyon na sinasabing tatamaan ng gagawing airport sa hinaharap. (Athena Yap)