Ang number 8

Dream Catcher

Napanaginipan kong may paliga raw sa aming lugar at kasama ako sa volleyball team. Binigyan daw kami ng uniporme na t-shirt. Tinanong daw ako ng isang ka-team ko kung ano ang number ko at doon napokus ang ­aking atensyon sa number 8 na nakatatak sa uniform. Sa panaginip ko, number 8 ang ibinigay sa ­aking ­numero. Ano ang ibig sabihin nito?

Malaki ang nagiging papel ng numero sa ating mga panaginip at bawat numero ay may kanya-kanyang significance. Ang number 8 ay simbolo ng tagumpay, mater­yal na bagay, power, kasaganaan at infinity.

Ang number 8 ay simbolo ng kasaganaan o abundance, hindi lamang sa materyal na bagay at pera kundi ma­ging sa kaligayahan – sagana sa kaligayahan. Indikasyon ito na sa aktuwal na buhay ay itinuturing mo ang iyong sa­rili na sagana sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Kung ito man ay sa love, magandang indikasyon ito dahil maging ang iyong subconscious ay kumbinsidong nakakamit mo ang tunay na hinahanap ng puso mo.

Ang number 8 ay nagpapakita rin na nagtitiwala ka sa iyong intuition at instinct at binibigyang-halaga mo ang iyong kutob. Ang iyong panaginip ay puwedeng ituring na mensahe na pa­tuloy lamang magtiwala sa iyong nararamdaman dahil kumpiyansa ka na kung hindi mo pa nara­ramdaman ang kasaganaan ay parating na ito.

Kung ikokonek naman sa trabaho, ang number 8 ay indikasyon na nalalapit mo nang makamit ang mga positibong bunga ng lahat ng iyong pinaghirapan. Nakikita mo na mabibigyan na ng kaukulang reward ang lahat ng iyong pinaghirapan.

Kung paulit-ulit mong nakita ang number 8 sa iyong panaginip, indikasyon naman ito na maraming paparating na saya sa iyong buhay at positibo ito sa trabaho, sa pakikipagrelasyon at maging sa kalusugan.

Gayunpaman, ang number 8 ay puwede ring ikonek sa isang paalala na hindi ka dapat umabuso at hindi dapat ma­ging bossy. Ang number 8 ay puwede ring ikonek sa karma. Kaya naman kung sa aktuwal na buhay ay nagiging mapagmataas ka o nakakasakit sa damdamin ng iba ­tulad sa iyong partner sa buhay ay dapat itong ituring na isang warning.

Ang anumang itinatanim ang siyang aanihin. Wala namang dapat ipag-­alala kung alam mong wala kang pagmamalabis o pang-aabuso na ginagawa sa kapwa dahil pagdating ng karma, ito’y siguradong good karma para sa iyo.

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispi­ritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.